Dalagang veterinarian nagbigti sa Pasay

PATAY na nang madiskubre ng kanyang mga kaanak ang dalagang beterinarya sa loob ng tinutuluyang silid nito matapos magbigti kagabi sa Pasay City.

Wala namang alam si Alex Rosales, 40, kung ano ang dahilan ng pagpapatiwakal ng kanyang pinsang si Delia Belle Tubo, 32 dahil nang iwanan nila ng kanyang misis na si Cristine ang biktima ay hindi naman nila ito kinakitaan na may dinadalang mabigat na suliranin.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Investigation Division ng Pasay Police, nadiskubre ng mag-asawa ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang tirahan sa Building 2-B, Unit 306 NHA Housing, Merville dakong 11:20 kagabi matapos silang dumating mula sa pamamasyal sa Mall of Asia.

Ginamit ng dalagang beterinarya ang isang nylon cord na pinulupot sa kanyang leeg at itinali ang kabilang dulo sa posteng nag-uugnay sa dalawang magkahiwalay na silid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply