Dalagita nagbaril sa sarili, patay

PATAY ang isang dalagita makaraang magbaril sa sarili sa bahay mismo ng kanyang lola sa Malasiqui, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Camille Gonzales, 16, residente ng nasabing bayan.

Base sa pahayag ng kanyang tiyahin na si Soledad Gonzales, habang nagtitiklop ito ng damit sa unang palapag ng kanilang bahay ay napansin na lamang nito na may tumutulong dugo sa ikalawang palapag.

Doon na nito tinungo ang silid ng kanyang pamangkin at tumambad sa kanya ang duguang katawan ng biktima, partikular na sa kanyang ulo.

Itinakbo pa sa hospital ang dalagita ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Hinihinalang dahil sa sakit na urinary tract infection (UTI) kung kaya nagpatiwakal ang biktima.

Natagpuan naman ang isang basyo ng bala ng homemade cal. .22 na baril sa pinangyarihan ng insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply