Dalagita nalunod sa CamSur

NALUNOD ang isang 11-anyos habang inililigtas niya ang kanyang kapatid sa Bicol river sa Milaor, Camarines Sur.

Nabatid na sa kasagsagan nang malakas na buhos ng ulan nagkatuwaan na maligo ang magkakaibigan na Jamby Alilin at magkapatid na Jasmine at Trexy Albo.

Itinuloy umano ng tatlo ang paliligo sa Bicol river subalit aksidenteng nadulas sa bato ang kapatid na si Trexy at pumailalim sa ilog.

Agad namang sumaklolo ang 11-nayos na si Jasmin.

Lumipas pa ang tatlong oras bago nakita ang wala ng buhay na katawan ni Jasmin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply