Dalagitang may sayad niluray ng driver

ARESTADO ng awtoridad ang 34-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng nakatatandang kapatid ng dalagita na may kapansanan sa pag-iisip na kanyang ginahasa sa Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Dick Subion, taxi driver, tubong San Andres, Catanduanes, kasalukuyang naninirahan sa no. 553 Malunggay Street, CAA BF International,  naturang lungsod.

Sa reklamo ni Vivian Praxides, 33, nagsumbong sa kanya ang 15-anyos na kapatid at itinuro ang suspek na si Subion na nanggahasa sa kanya sa loob ng bahay nito.

Isinalaysay pa sa kanya ng kapatid na pinaghahalikan siya ng suspek sa mukha at sa dibdib at paghihipuan saka ilugso ang kanyang pagkababae.

Agad namang nagtungo si Praxides sa Police Community Precinct 4 ng Las Piñas Police at nagsampa ng kaukulang reklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply