Dalaw tiklo sa shabu na isiniksik sa isaw

HINDI umubra sa awtoridad ang pagpupuslit ng droga ng isang lalaking dadalaw sa notoryus na drug pusher sa Baguio City Jail matapos mabuko na nagsingit ito ng sachet ng shabu sa loob mismo ng isaw ng baboy.

Mariing itinanggi naman ni Joel Altar, 25-anyos ang akusasyon at sinabing ipinadala lamang sa kanya ang naturang pagkain ng mismong misis ng presong si Bernardo Olivarez, tinaguriang number 1 drug pusher ng Baguio City.

Gayunman, sinampahan pa rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera Region ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Act of the Philippines.

Bago ito, nagpunta sa BCJ ang suspek kahapon (Mayo 28) at bitbit nito ang isang supot ng inadobong-isaw na kanyang pasalubong kay Olivarez.

Dahil sa sinusunod na standard operating procedure (SOP), inispeksyon ng mga PDEA jail guards ang laman ng supot at natuklasan sa loob ng isa sa mga bituka na may nakasingit na isang sachet ng shabu na tumitimbang ng 6.8 gramo.

Matatandaaan na noong nakaraang Pasko ay hindi nakalusot ang inilgay na sachet ng shabu sa sa ulo ng litson na ipinadala para kay Olivarez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply