Dating alkalde ng Carrascal, Surigao del Sur dinukot

DINUKOT ng mga hindi nakilalang kalalkihan ang dating mayor ng Carrascal, Surigao del Sur habang nagtatrabaho sa kanyang construction site, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Batay sa Caraga police, si Engineer Victor Lim Tan, 67, ay dinukot ng may walong kalalakihan na armado ng hindi pa matukoy na uri ng armas.

Si Tan ang dating alkalde ng Carrascal at ang kasalukuyang manager ng Carrascal Integrated Enterprise.

Batay sa ulat, kahapon pa ng alas-9:00 ng umaga nawawala ang dating alkalde habang nasa kanyang construction site sa Catupgas Bridge 1 at 2, Sitio Catupgas, Barangay Zone 3, Lanuza town.

Ayon sa drayber ni Tan na si Julius Arco Arnego, 21, dinukot ang kanyang amo at dinala ng mga suspek sa bulubunduking bahagi ng lugar.

Si Tan ay dati nang nadukot ng New People’s Army (NPA) noong 1997 ngunit pinalaya rin makalipas ang pitong buwan.

Nagkasa na ng pulisya at militar ng rescue operations para sa dating alkalde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply