Dating OFW natagpuang patay sa kalye sa Maynila

PATAY na nang matagpuan sa kalye ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Ermita, Maynila kanina.

Ang biktima ay nakilala na si Ronald Sobrepena, 50, dating tissue-operator sa Saudi Arabia.

Nakilala si Sobrepena sa pamamagitan ng identification card na nakuha sa isang plastic bag na dala ng biktima.

Ayon sa report ni SPO2 Amelito Lopez, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng umaga ng huling makitang buhay ang biktima habang umiinom ng kape sa lugar.

Sa pagsisiyasat ni Lopez, napag-alaman na nilayasan ng biktima ang kanyang misis sa Trece Martirez Cavite at may dalawang linggo na itong nagpapagala-gala sa Ma.Orasa St. malapit sa Kalaw St.,.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ang biktima .

Dinala ang bangkay sa St.Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply