Dating OFW tinangkang halayin sa tabi ng ka-live-in

TINANGKANG halayin ng isang lalaki ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) na katabing natutulog ng ka-live-in partner ng babae sa bayan ng Enrile, Cagayan, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, agad na naaresto ang suspek na kinilalang si Felomino Palattao, 26, residente ng Barangay Lemu Norte sa nasabing bayan.

Naalimpungatan umano ang biktimang si Amor, hindi niya tunay na pangalan nang maramdaman nito ang mapangahas na kamay na nagsisimula siyang papag-initin.

Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP Enrile Womens and Children Protection Desk, natutulog ang dalaga at ang kanyang live-in partner sa isang kubo sa gitna ng maisan sa bayan ng Enrile nang pagtangkaan
umano siyang halayin ng suspek.

Sa salayasay na nakalap ni PO2 Lilibeth Laporga ng PNP Enrile, may hawak ng kaso, nagising ang biktima nang maramdamang may humihimas sa kanyang dibdib habang dahan-dahan siyang hinuhubaran.

Nakatakda na sana umanong magpaubaya ang dalaga, subalit laking gulat nito nang makitang ibang lalaki pala ito at hindi ang kanyang kinakasama.

Dahil dito, nagsisigaw ang biktima hanggang sa magising ang kanyang kinakasama na ikinataranta naman ng suspek at mabilis na kumaripas ng takbo.

Dahil namukhaan ng biktima ay mabilis ding naaresto si Palattao ng mga nagrespondeng awtoridad kaya  nahaharap ngayon ito sa kasong tangkang panggagahasa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply