Day 35: Atienza sumalang sa cross examination

SA PAGPAPATULOY ng paglilitis sa impeachment case ni Supreme Chief Justice Renato ngayon, ay muling isinalang sa witness stand si dating Manila Mayor Lito Atienza para sa cross examination ng prosecution panel.

Si Atienza ay muling ipinatawag upang magbigay-linaw sa pinasok na kasunduan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa Basa-Guidote Enterprises Inc. na pag-aari ng pamilya ni Cristina Corona (asawa ng punong mahistrado), hinggil sa pagbili ng lupang pagtatayuan ng public market.

Sa cross examination ipunto ni Atty. Renato Samonte Jr. na mayroong kakaiba sa dalawang tseke na ibinayad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa BGEI na nagdaan pa kay Ginang Corona ngunit iginiit ni Atienza na walang mali rito.

Nagalit naman si Senate Presiding Judge Juan Ponce Enrile matapos na turuan ito ni Samonte kung ano ang kanyang gagawin.

Nagalit din si Senator-judge Miriam Santiago at pinagsabihan si Samonte na ang Commission on Audit dapat ang tanungin niya ukol sa usapin ng tseke at hindi ang dating alkalde.

Iginiit din ni Atienza na hindi overprice ang transaksyon sa BGEI.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply