DAY 36: 2 araw na break hiniling ng depensa

NAGDESISYON na ang defense panel na iharap na sa impeachment trial si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang napagkasunduan sa panig ng depensa subalit, kinakailangan na pumayag ang impeachment court na humarap din sa witness stand sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Congressman Walden Bello, dating Akbayan Partylist Rep. Risa Hontiveros at iba pang petitioners na kabilang sa naghain ng kaso laban kay Corona sa office of the Ombudsman.

Siniguro ni defense counsel Jose Roy III kay Enrile na haharap ang Chief Justice.

Dahil dito, pumayag si Senate president at presiding officer Juan Ponce Enrile na i-subpoena na ang dalawang nasabing testigo na nais iharap ng depensa.

Gayunman, dalawang araw na break ang hiningi ng depensa bilang paghahanda sa pagharap kay Corona kaya sa Lunes na ang susunod na paglilitis.

Simula bukas hanggang sa susunod na araw ay walang paglilitis na magaganap sa Senado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply