DAY 37: Desisyon ng Senado sa TRO sa dollar account, isinantabi

ISINANTABI muna ng Senado ang desisyon sa mosyon ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na makapagdesisyon na ang impeachment court sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court sa $10 million dollar account ni Chief Justice Renato Corona.

Sa panayam bago magsimula ang impeachment trial, sinabi ni Senate President Jinggoy Estrada na wala pang mangyayaring botohan dahil gusto muna ng karamihan  sa senador na madinig ang testimonya at makita ang ebidensiyang ihahayag ni Corona sakaling tumestigo ito.

“No voting yet and the majority of the senators wanted to hears first the testimony of the chief justice before deciding on the motion filed by Sen. Koko Pimentel on the TRO issued for the dollar account,” paliwanag ni Estrada.

Bago magsimula ang paglilitis kay Corona, pinulong ni Senate President Juan Ponce Enrile ang lahat ng senator-judges sa isang caucus upang pag-usapan kung magdedesisyon na o hindi sa mosyon ni Pimentel noong nakaraang Martes hinggil sa TRO laban sa dollar account.

Sinabi ni Estrada na karamihan sa senador ang nagpahayag ng kagustuhan na matuklasan ang sinasabing dollar account ngunit pansamantala itong isinantabi dahil nakapagsalita na si Corona na kanyang ilalantad ang lahat sa kanyang magiging testimonya.

Kinumpirma naman nina Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at Sen. Franklin Drilon ang desisyon ng Senado sa ginanap na caucus bago magsimula ang paglilitis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply