Day 37 ng Corona trial simula na; Ombudsman Carpio-Morales dumalo

NAG-UMPISA na ngayon ang ika-37 araw ng paglilitis sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Ang paunang panalangin ay pinangunahan ni Senator-judge Sergio Osmeña.

Present naman ang 23 senador sa paglilitis.

Nasa Senado na sina Harvey Khe ng KAYA NATIN at Ombudsman Conchita Carpio-Morales upang tumestigo anumang oras.

Ang mga nabanggit ay mga “hostile witness” ng depensa matapos kumalat ang isyung may $10 million dollar account ang punong mahistrado.

Samantala, sa pamamagitan ng sulat ay hiniling ni Carpio-Morales na unahin siyang isalang sa witness stand.

Nakatakda namang patunayan ng depensa na walang dollar account ang punong mahistrado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply