Day 37: Isyu sa $10M dollar account ibinase sa AMLC– Morales

SA KANYANG pagsalang sa witness stand ngayong hapon, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi lamang sa mga news clippings ibinase ang imbestigasyon sa umano’y $10 million dollar account ni Chief Justice Renato Corona.

Ang pahayag ni Morales ay kasunod ng sinabi ni defense lead counsel at dating Justice Serafin Cuevas na ilan sa mga pinagbatayan ng Ombudsman ay mga news clippings.

Anang Ombudsman, lumapit siya sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at nakakuha siya ng mga ebidensiya sa mga reklamong isinampa sa kanyang tanggapan.

Nilinaw ni Morales na fact-finding investigation pa lamang ang kanyang isinasagawa kaugnay ng sinasabing dollar accounts ng punong mahistrado.

Samantala, hindi sumang-ayon si Morales na maging hostile witness siya at iginiit na bahagi ng kanyang mandato bilang Ombudsman na imbestigahan ang mga opisyal ng pamahalaan, mayroon man o walang reklamong isinasampa laban sa mga ito.

Gayunman, idineklara pa rin ni Presiding Officer Juan Ponce-Enrile na isang hostile witness ang Ombudsman.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply