Day 38: Miriam hiniling na isubpina ang branch manager ng 9 na bangko

SA IKA-38 na araw ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, hiniling ni Senator-judge Miriam Defensor-Santiago sa Senate Impeachment Court na isubpina ang siyam na bangko kaugnay ng report ng Anti-Money Laundering Council.

Ayon kay Santiago, maaaring may nadoble sa bilang sa PowerPoint presentation ni Ombusdman Conchita Carpio-Morales kahapon (Mayo 14).

Nabatid sa testimonya ni Morales na nakakalat sa iba’t ibang bangko ang tinatayang aabot sa $12 million deposits umano ni Corona na kinabibilangan ng:

– Allied Bank Corp. Kamias (4 na account)
– Citibank (1 account)
– Deutsche Bank (2 account)
– BPI San Francisco del Monte (34 na account)
– BPI Tandang Sora (18 account)
– BPI Acropolis (8 account)
– BPI Management Investment Corp.(1 account)
– PS Bank Cainta (8 account)
– PSBank Katipunan (6 na account)

Nakatakdang pag-uusapan ang manifestation ni Santiago sa caucus sa darating na Lunes, Mayo 21.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply