Day 41 ng Corona trial umpisa na

NAGSIMULA na ang ika-41 ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Dumalo ang 22 senator-judge at pinangunahan ni Senator-judge Bong Revilla ang opening prayer.

Nagsalita rin si dating justice Serafin Cuevas, lead defense counsel ukol sa kalagayan ni Corona at kung bakit hindi ito makadadalo ngayong araw sa pagdinig.

Ayon kay Cuevas, nagpunta siya sa The Medical City, kung saan naka-confine si Corona ngunit hindi umano niya ito nakausap dahil hindi pumayag ang mga attending physician ng punong mahistrado.

Ang dalawang anak na ni Corona na sina Carla at Francis at asawang si Cristina lamang ang kanyang nakausap upang malaman ang kalagayan ng punong mahistrado.

Dala rin ni Cuevas ang kopya ng medical report ng punong mahistrado.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply