Day 42: Corona nag-sorry sa Senado

SA kanyang pagsalang muli sa witness stand ay humingi ng paumanhin si Chief Justice Renato Corona sa Senate Impeachment Court.

Ito ay kaugnay sa kanyang biglang pag-alis sa session hall noong Martes pagkatapos ng kanyang opening statement.

Iginiit ng punong mahistrado na hindi niya nais na umalis na tinawag pang pagwo-walkout
ng marami.

Tinanong rin ni Presiding Jugde Juan Ponce Enrile ang punong mahistrado kung nakahanda ito sa paglilitis ngayong araw.

Sinagot naman ito ni Cj Corona na obligasyon niya sa bayan na magpaliwanag kaya minabuti niyang bumalik sa Senado kahit na mahigpit na tumututol ang kanyang mga doktor.

Si CJ Corona ay na-ICU sa The Medical City pagkagaling sa impeachment trial noong Martes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply