Dayaan sa sugalan: 2 patay, 5 sugatan

DALAWA ang namatay habang lima ang sugatan nang magkagulo at magkabarilan sa isang lamay ng patay sanhi ng dayaan sa sugal sa Pangasinan kaninang madaling-araw.

Kapwa nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 sa noo sina Sandy Garcia,  ng Urbiztondo at Maribel Lapino, ng Dagupan City.

Isinugod naman sa ospital sanhi ng tama ng bala sa tiyan, paa at kamay ang limang hindi nakuha ang mga pangalan na ang ilan ay mananaya sa sugal habang ang iba naman ay nag-aamuyong lamang.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-12:30 ng madaling-araw sa isang lamayan ng patay sa Barangay Bogtong, Malasigue.

Bago ito, mananaya ang ilan sa mga biktima sa lamay na pinagbabangkaan ng mga dayo na kalalakihan.

Pero kinalaunan,  napansin na mayroong marka ang gilid ng baraha kaya ito pinapalitan ng mga biktima.

Pumayag naman ang mga nagbabangka sa hiling ng mga mananaya  ngunit matapos ang isang card deal lamang ay umayaw na agad sa sugal.

Hindi nagustuhan ng mga mananaya ang pag-ayaw ng mga nagbabangkal at habang nagtatalo ay biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril at nang mahawi ang usok ay nakitang nakabulagta sina Garcia at Lapino.

Hindi naman maestablisa pa ng pulisya kung sino ang naunang nagpaputok.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 10 basyo ng kalibre .45 na baril.

Naiwan din sa lugar ang mga sinakyang motorsiklo ng ilang tumakas na sangkot sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply