Daytime truck ban sa Mayo 2 hanggang 5

PANSAMANTALANG ipatutupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang “daytime truck ban” sa Mayo 2 hanggang Mayo 5.

Ito ay upang mapaluwag ang trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila para sa apat na araw na 45th Asian Development Bank (ADB) International Conference na gaganapin sa bansa.

Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, sa inisyal na kasunduan ng MMDA sa iba’t ibang truckers association, ang temporary modified truck ban hours ay ipatutupad mula alas-4:00 ng madaling-araw hanggang alas-9:00 ng gabi, maliban na lamang sa mga truck na naglalaman ng perishable goods tulad ng prutas, gulay, seafoods at yelo.

Sa inilaang alternatibong ruta ang MMDA, ang mga trak na manggagaling sa North at South Harbor patungong North Luzon Expressway (NLEX) ay sa A. Bonifacio at R-10 maaaring dumaan, kanan sa C3 (Capulong) diretso sa Sgt. Rivera Avenue (5th Avenue), kaliwa sa A. Bonifacio Avenue patungong NLEX, at ganito rin kapag galing NLEX patungo sa pier.

Dahil sa daytime truck ban, suspendido naman ang ipinatutupad ng MMDA na uniform truck ban mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga, alas-5:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi at alas-5:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi kapag weekdays o mula Lunes hanggang Biyernes.

Muling ipatutupad ang original truck ban sa Mayo 6.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply