Dayuhang fighter ready na vs Pinoy pride fighters

HANDANG-handa na ang mga dayuhang boksingero sa kanilang pagdating sa bansa at anila kaya na nilang tilarin ang Pinoy counterparts sa nakatakdang laban sa Pinoy Pride 14 na idaraos sa Resorts World Manila sa Pasay City sa Hunyo 2 (Sabado).

Makasasagupa ni Mexican challenger Felipe Salguero si Donnie “Ahas”Nietes, para pag-agawan ang World Boxing Organization light flyweight crown na dumating noong Linggo kasama ang trainer na si Conrado Guerrero Siquieros at Pedro Mora Corrales, kababayang si Genaro Garcia at kanilang team. Lunes naman dumating si Colombian Jesus Geles.

Kakasa sa kanyang first world title si  unpredictable Salguero (16-2, 11 KOs) kontra 30-anyos a si Nietes sa 12-round main event.

Uupak si Geles kay world-rated flyweight contender Milan Melindo para sa WBO International flyweight championship, habang si Garcia (38-8, 22 KOs) ay kontra kay Genesis Servania para sa World Boxing international silver super bantam title.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply