De Lima tetestigo sa Maguindanao Massacre

NAIS na patayuin sa witness stand si Justice Secretary Leila de Lima para sa gagawing fact-finding ng Commission on Human Rights hinggil sa naganap na Maguindanao Massacre.

Ito ang kahilingan ni Atty. Harry Roque ng Center for International Law, para kay De Lima na siyang chairperson ng CHR nang maganap ang nasabing masaker.

Ayon kay Roque, kanilang ipatatawag ang 20 pang testigo para sa “evidence-in-chief” kaugnay sa mga kaso ng kanilang kliyente.

Ang grupo ni Roque ang siyang kumakatawan ng mga pamilya ng may 17 biktima ng pagpatay noong November 23, 2009 sa bayan ng Ampatuan.

Sinabi pa ni Roque na ang CHR ay nagsagawa ng parallel investigation sa nangyaring pagpatay sa 58 na katao sa ilalim ng pamumuno ni De Lima.

Nabatid na tanging 57 counts of murder ang naisampa ng mga sandaling iyon sa Regional Trial Court Branch 221 dahil hindi pa rin natatagpuan ang labi ng pang-58 na biktima.

Ipinahayag pa ng abogado na kakailanganin pa nito na mapasang-ayon ang government prosecutors sa kanyang plano at pagpayag ni De Lima na tumayo bilang testigo.

Dagdag pa ni Roque, sa 20 inaasahang testigo na kasama si De Lima, karamihan sa mga ito’y mula sa CHR kung saan maaaring maging corroborative ang mga testimonya ng mga ito hinggil sa natuklsan ng police investigators.

Napag-alaman na ang mga nasabing karagdagang testigo ay hindi kaagad naisama sa naunang pre-trial orders.

Ang miyembro ng Ampatuan clan ay kabilang sa 195 na kinasuhan ng multiple murder case.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply