Delivery boy nalitson nang buhay

PATAY ang isang 41-anyos na lalaki matapos na ma-trap sa loob ng naususnog na pagawaan ng muwebles sa Sta.Cruz, Maynila, kaninang madaling araw..

Nakilala ang biktima na si NIcasio Pason, isang delivery boy.

Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling araw sa ikalawang palapag ng gusali nang magsimulang sumiklab ang sunog sa nasabing pagawaan sa may Recto, Sta.Cruz, Maynila.

Ayon kay Fire Chief Inspector Bonifacio Carta, tinangka ng biktima na isalba ang kanyang mga kagamitan ngunit hindi na ito nakalabas pa sa loob ng nasusunog na pagawaan.

Matapos ang isang oras ay idineklarang fireout ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

Tinatayang nasa P1 milyon ang halaga ng pinsala sa naturang sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply