Delivery boy utas sa sinitang 2 kelot

PATAY ang isang delivery boy nang utasin ng kanyang sinitang lalaki na nahuling nakipag-usap sa nobya ng kanyang kaibigan sa Roxas Boulevard, Maynila kaninang umaga.

Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Maynila si Renato Cuana ng 228 Balagtas Villas, Pasay City.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pananaksak.

Sa report ni SPO4 Virgo Villareal ng Manila Police District (MPD)-homicide section, alas-2:30 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa gilid ng Philippine Navy Headquarters  sa CCP parking area, Roxas Blvd., Manila.

Sa imbestigasyon ni Villaruel, kasama ng biktima ang isang Marinel Resurrecion at boyfriend nitong si Alejandro Guimara na nagtungo sa Yakitori Dori Videoke para ipagdiwang ang birthday ng huli.

Nang magpaalam saglit ang biktima para umihi at pagbalik ay nakita niyang may dalawang lalaki nang kinakausap si Resurrecion ay kanya iyong sinita na ikinaasar naman ng salarin.

Kaya hindi pa man nakakalayo ang biktima sa lugar nang sinundan sila ng mga suspek, tinapik sa likod at saka inundayan ng saksak sa dibdib.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply