Delivery van ng manok hinaydyak

HINAYDYAK ng mga hindi nakilalang kalalakihan ang isang delivery van ng manok sa Quezon City at inabandona sa Valenzuela City kaninang madaling araw.

Sa pahayag ng drayber ng elf closed van (XJV-597) na si Wilson Libot, dakong ala-1:00 ng madaling araw magde-deliver sana sila ng mga pahinanteng sina Nelson Taguiam at Roderick Mercado ng mga parte ng manok sa Mandaluyong City nang wang-wangan ng mga suspek na sakay ng Besta Van na hindi naplakahan sa Araneta Avenue, Quezon City.

Itinabi ni Libot ang van subalit nang magbabaan ang mga suspek ay agad silang tinutukan ng baril.

Ayon pa kay Libot, piniringan sila saka isinakay sa Besta Van at makalipas ang tatlong oras ay ibinaba sa Hernadez St., Coloong 2, Valenzuela City.

Nang makaalis na ang mga suspek ay nag-alis na ng mga piring sina Libot at laking gulat nang makita sa hindi kalayuan ang dalang closed van.

Nang tingnan ang van, ay halos ubos na ang mga lamang parte ng manok na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply