Demi Lovato, Britney Spears bagong X-Factor judges

TOTOO ang umuugong na balita na sina Britney Spears at Demi Lovato nga ang magiging bagong judge ng “X-Factor” matapos sipain ng show ang dalawang dating judge na sina Paula Abdul at Nicole Scherzinger

Kabado na may halong excitement ang nararamdaman ng dalawang bagong hurado nang ianunsyo ni Simon Cowell, may-ari ng naturang singing talent search, ang pormal na pagiging bagong miyembro ng X-Factor family.

Lumabas sa mga balita na matagal niligawan ng X-Factor si Britney at inoperan pa raw ng mahal na datung ever.

Abangan sina Britney at Demi sa bagong season ng X-Factor na malapit nang ipalabas.

X-Factor Philippines

NAKUHA ng ABS-CBN ang franchise ng naturang si singing talent search ni Cowell na malapit na ring ipalabas sa bansa.

Ilang buwan ding naghanap ng mga contestant ang pamunuan ng X-Factor Philippines kasama ang host nitong si KC Concepcion.

Balitang naglilibot pa rin sila ngayon para mahanap ang mga mahuhusay na singer sa iba’t ibang panig ng bansa.

Makakasama ni KC sa show ang mga judge na sina Concert King Martin Nievera, Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales at ang international singing sensation Charice.

Mukhang exciting ang bagong talent show na ito dahil pinagsama-sama ang mga mahuhusay na singer-performer ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply