Dengue cases bababa ngayong taon – DoH

TIWALA ang Department of Health (DOH) na bababa ang dengue cases na maitatala ngayong taon.

Ito’y  kasunod na rin ng mas mahigpit na pagpapatupad ng DOH ng action plans at mga istratehiya kontra dengue.

Ayon kay Health Asisstant Secretary Eric Tayag, umaasa sila na hindi na aabot pa sa 100, 000 kaso ng dengue ang kanilang maitatala ngayong taon o 40 porsyentong pagbaba mula sa naitalang dengue cases sa nakalipas na taon.

Inianunsiyo ni Tayag, na siya ring hepe ng National Epidemiology Center  (NEC) ng DOH, na nakipag-ugnayan na rin si Health Secretary Enrique Ona kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Mario Montejo upang talakayin ang mga proyektong gagawin kontra dengue ngayong buwan ng Hulyo at Agosto na tinaguriang peak season ng dengue.

Aniya, sa nasabing pulong ay sinabi ni Montejo na nakikipag-uganayan na ang DOST sa Department of Education (DepEd) para sa pamamahagi ng mga mosquito trap na ilalagay sa labas ng mga silid-aralan na siyang papatay sa breeding site ng mga lamok.

Batay sa tala ng DOH, simula Enero hanggang Mayo 5 ng taong ito ay may 25,230 na ang nagkasakit ng dengue kung saan 152 ang namatay.

Mas mababa pa rin naman ito ng 8.52 porsyento kung ikukumpara sa 27, 579 dengue cases sa nakalipas na petsa noong nakaraang taon kung saan 175 ang namatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply