Dengue labanan

ANG sinasabi ng Department of Health, nagpakalat na sila ng sinasabi nilang epektib na panlaban sa mga lamok na may dengue.

Nasaan kaya ang mga gamot na yan?

Nagtatanong tayo, Suki, dahil sa ulat mismo na tila mas malala ang sakit na dengue ngayong taon kumpara sa nakaraan.

Batay ito sa rekord sa maraming lugar na mas marami ang tinatamaan ng dengue sa nakalipas na limang buwan ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Wataymen, kung halos nasa 100,000 ang kaso ng dengue noong 2011, baka hihigit pa sa 100,000 ngayong taon.

oOo

Mahirap, Suki, na kalaban ang dengue.

Marami kang haharapin kung makapitan ka nito.

Sementeryo, ospital, pagkasaid ng ipon, pagkalubog sa utang, pagkatanggal sa trabaho at marami pang iba.

Paano kung dalawa o higit pa ang matatamaan sa loob ng isang pamilya, huh?

Para sa mayayaman, yang pagkuha lang ni Lord ang problema nila.

Pero para sa mga mahihirap? Impiyerno ang inaabot nila.

Paanong ‘di impiyerno kung walang magpapautang sa kanila, walang pandeposito sa ospital, walang pambili ng gamot at dugo, walang pantubos sa morge at walang pampalibing?

oOo

Kaya naman, dapat magtulong-tulong ang lahat laban sa dengue.

Ke mayaman ka o mahirap, dapat na tumulong ka laban sa sakit na ito.

Imadyinin na lang natin na makalilipad ang lamok na may dengue ng ilang kilometro.

Matapos na kagatin ka niya, lilipat naman ito sa ibang bahay para magkalat ng lagim.

Eh ang dami ng mga ito, Suki, milyon-milyon ang bilang at daan-daan ang nakakapit sa ating mga dinding, kurtina, bintana at iba pa bago sila kumagat sa atin.

Kahit gaano kaliit ang ating magagawa, basta magsasama-sama tayong lahat, epektib ang kilos natin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply