Dengue outbreak sa Zambo idineklara ng DoH

IDINEKLARA na ng City Health Office ng Zamboanga City ang dengue outbreak sa lalawigan.

Ito ay makaraang makapagtala sila ng 774 kaso ng naturang sakit, siya na ang namamatay mula lamang sa buwan ng Enero hanggang nitong buwan ng Mayo 2012.

Nanawagan si City Health Officer Dr.Rodel Agbulos sa publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at boluntaryong mag-donate ng dugo para sa mga nagkakasakit ng dengue.

Habang maglalaan naman ng mahigit kalahating milyong pondo si Zamboanga City Mayor Celso Loregat na gagamitin sa pagbili ng gamot at paglunsad ng simultaneous city wide cleanup partikular sa 10 barangays na lubhang apektado ng dengue.

Sinabi ni Dr. Agbulos, dahil sa dengue outbreak ay minabuti muna nilang ikansela lahat ng leave ng mga empleyado ng CHO.

Kinumpirma rin ng Department of Health Regional Office-9 na na-monitor sa Zamboanga ang lahat ng strain ng dengue virus kung kaya kinakailangan ang ibayong pag-iingat ng mga residente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply