Dengue umaatake

INIHAHAYAG ngayon ng Department of Health na umaabot na sa 20,000 ang nagkaroon ng sakit na dengue simula noong Enero 2012.

Mabigat ito, Suki, lalo na kung iisipin ang ibinubunga nito sa buong pamilya.

Para sa isang mahirap na pamilya, saan ngang kamay kukunin ang P30 mil na karaniwang gastos dito sa ospital?

Eh kung minalas-malas ang pasyente, kailangan pang magpasaklang patay ang pamilya nito para matubos ang bangkay sa morge ng ospital at matapatan ang presyo ng punerarya.

oOo

Para naman sa isang katamtaman ang kalagayan na pamilya, hirap naman ang dulot ng sakit na ito na nakamamatay.

Nasasaksihan natin ang mga nagsasanla o nagbebenta ng kanilang mga aplayans o gamit o lupa o kalabaw.

May nababaon naman sa utang hanggang sa maisanla ang kanilang mga tahanan sapagkat hindi lang naman hanggang P30 mil lang ang gastos sa sakit.

Lalo na, Suki, kung higit na isa ang tinamaan dengue sa loob ng isang pamilya.

Meron ding nagpapatigil ng pag-aaral sa kanilang mga anak.

O isa-isa lang ang nag-eenrol sa iskul.

oOo

Para naman sa mga mayayaman, hindi nila iniinda ang gastos.

Meron tayong kilala na balewala sa kanila ang P500K hanggang P1 milyon na gastos sa ospital.

Pero walang sinasanto ang dengue.

Meron din sa mga ito ang kinukuha ni Lord dahil hindi basta kayang tapatan ng salapi ang sakit na dala-dala ng lamok.

oOo

Dapat tayong makinig sa DOH na maaaring mag-ulat sa katapusan ng taon ng 100,000 na biktima ng dengue.

Kaya naman, ngayon pa lang ay dapat nang gumawa ng paraan nang hindi makalapit ang dengue sa ating mga bakuran o mala-banan kaya kung andiyan na ito.

Mag-ingat sa dengue, mga Suki.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply