Dennis kasama si Bianca na magsi-celebrate ng kanyang nth b-day sa Boracay!

SUPER busyngayon si Dennis Trillo dahil pinagsabay-sabay niya ang taping ng soap na Biritera at shooting ng movie niya sa Regal-GMA Films project, ang Boy Pick Up. Kaya naman sa birthday niya ay gusto niyang magbakasyon sa Boracay at doon mag-celebrate ng kanyang birthday.

Siyempre sa birthday ni Dennis, ‘di mawawala ang pinaka-close sa kanya ngayong babae, si Bianca King.

Oh, yes, sinabi ni Dennis sa set ng Boy Pick Up na kinunan mismo sa Valencia house-office ni Mother Lily Monteverde ng Regal na talagang makararating si Bianca sa Bora dahil sa may big promotions roon sa panahon ng birthday niya ang buong stars ng GMA. Kasama roon si Bianca, na may bagong show na ipu-promote na pang-prime time, ang  Luna Blanca sa direksyon ni Direk Dominic Zapata na tatagal ng nine months on air.

Kaya three generations, kasi magsisimula na mga bata pa sina Bianca at Heart Evangelista na gagampanan nina Jillian Ward at Mona Louise Ray.

Tapos kapag teenager na, lalabas naman sina Bea Binenene at  Barbie Forteza.

Samantala, wala pang definite na leading men sina Bianca at Heart. Di kaya papasok din dito si Dennis at ang ex ni Heart na si Daniel Matsunaga? Hula lang namin. Kasi pagkatapos ng Biritera wala pang definite assignment si Dennis.

Anyway, sa Boy Pick Up movie, first na gagawin ni Dennis ang role na full-length kontrabida. Mala-Heath Ledger ang role dito ni Dennis. Pero, may ibang atake siyang gagawin kaya hindi siya totally manggagaya. Bale peg lang ni Dennis sa role niya ay si Heath sa movie na Spiderman.

Dusa ang role ni Dennis sa Boy Pick Up kasi kailangan pintahan ng tattoo ang kanyang buong katawanan. It takes 4 to 5 hours ang body painting.

Depende sa role niyang gagawin ang eksena. Kapag naka-t shirt siya ay kamay at mukha lang ang tattoo niya. Kaya pati ang kanyang ulo ay may kakaibang coloring na gold metallic.

000

HANGA si Direk Maryo J. delos Reyes kay Derrick Monasterio dahil magaling itong mag-pick up sa tagubilin ng director kapag nagwo-workshop.

Tapos, napanonood pa niya itong mag-perform sa Party Pilipinas at lumalabas sa mga soap na Alice Bungisngis at Tween Hearts, kaya nasabi n’yang si Derrick ang isa sa mga potential na actors sa GMA7.

Kaya naman in demand siya ngayong young actor ng GMA7. Bukod sa Alice Bungisngis ay kasama siya sa Tween Hearts. Kasalukuyang nasa America si Derrick para i-promote roon ang The Road kung saan kasama rin siya sa cast bilang isa sa mga bida.

Sa kanyang pag-arte nakatutok ang kanyang panahon kaya wala raw munang love life. Mas mapagtutuonan niya ang career at kanyang pag-aaral. Gusto rin niyang habang nag-aartista, tuloy pa rin ang kanyang pag-aaral. Isa na kasi siyang youth ambassador ngayon na itinalaga ng pamahalaan para maging huwaran sa mga kabataan.

Mapanonood si Derrick sa Tween Hearts ngayong Sunday kapartner ni Kylie Padilla. Sa pagtatapos ng episodes ng Tween Hearts, lalong nagiging komplikado ang love life ng magkaka-love team na tulad nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, Bea Binene at Jake Vargas at gayundin ang mga love team nina Kristoffer Martin at Joyce Ching, Ken Chan at Yassie Pressman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply