Department store sa Butuan City nasusunog

KASALUKUYANG nasusunog ang isang department store sa Butuan City.

Batay sa paunang ulat, nasusunog ang ikalawa at ika-apat na palapag ng Novo department store na nasa sentro ng lungsod.

Nabatid na hindi pa nakakalabas ang 22 stay-in na saleslady ng naturang department store.

Labis na pinangangambahan ng mga residente at maging ng mga awtoridad ang kalapit na gasolinahan at LPG store ng nasabing nasusunog na department store.

Inaalam pa kung paano nagsimula ang sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply