DepEd inulan ng tawag sa K+12 program

LITERAL na inulan ng tawag ang Department of Education (DepEd) hinggil sa mga pagbabago sa darating na pasukan sa Hunyo 4.

Ayon sa report, pilit nililinaw ng mga magulang ang mga impormasyong may kinalaman sa implementasyon ng K12 program ng DepEd.

Nililinaw ng mga magulang kung tuloy na ito ngayong taon at kung paano ito ipatutupad.

Sinabi naman ng DepEd na tuloy na nga ito ngunit hindi pa sa lahat ng eskwelahan.

Naglaan na rin sila ng hotline number na 636-1663 upang tawagan at text naman sa hotline 0919-4560027.

Pwede ring mag-tweet sa @dep_ed o mag-email sa action@deped.gov.ph  para sa mga detalye.

Samantala, handa na rin ang kapulisan para sa pasukan sa ikakasang information dissemination laban sa ipinagbabawal na droga.

Bahagi ito ng kanilang “Bantay Eskwela” program kung saan iniiwasan nilang mabiktima ang mga estudyante ng drug pushing.

Ayon kay PNP chief S/Insp. Virgilio Durado, isasabay nila ito sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong eskuwelahan upang makaiwas sa iligal na droga ang mga estudyante.

Aniya, sinasamantala ng mga drug pusher ang pagbubukas ng klase para makakuha ng mga kliyenteng estudyante.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga school principal para sa pagsasagawa ng symposium hinggil sa masamang idinulot ng paggamit o pagkasangkot sa illegal na droga.

Maging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay aktibo na rin sa kanilang mga proyekto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply