DepEd: Kulang noon, diyan, dito

ANG dami talagang kulang sa Department of Education.

Lalo na sa mga pablik iskul.

Sa dami ba naman kasi ng mga mag-aaral na kailangang suportahan ng DepEd dito.

Tingnan ninyo ito, Suki.

May 1.73 milyon para sa kindergarten, may 14 milyon para sa elementari at may 5.76 milyon para sa haiskul.

Bale nasa 21M lahat ang nasa pablik iskuls.

Hindi pa kasali, Suki, ang mga las minit na magpapa-enrol.

Hindi gaanong pabi-gat ang mga praybeyt iskul na may nasa dalawang milyong pupil.

oOo

Dahil sa rami ng mga bata, kulang na kulang ng nasa 136 libo ang palikuran o kasilyas/ihian.

Nasa 100,000 naman ang kakulangan sa mga titser.

Nasa 51 tawsan naman ang kakulangan sa klasrum.

Siyempre pa, yang pagmamadali nina Armin Luistro na magpapasok ng kinder na 1.73M kinder ang isang malaking dahilan ng mga kakulangang ito.

Kumbaga, parang kumuha sina Luistro ng maso at ipinukpok sa kanilang mga sariling ulo.

Hehehe!

Alam na nga nilang kulang na kulang ang mga mahahalagang sangkap na ito sa edukasyon, ginawa pa nila.

oOo

Pero may remedyo naman umano itong mga taga-DepEd.

Itinutulak nila ang mga munispyo at kapitolyo na  mag-hire ng mga titser. bukod sa sarili nitong pagkuha ng mga titser.

Pukpukan naman uma-no ang paggawa nila ng mga CR at magiging nasa 99,000 na ang kakulangan nila rito sa 2012.

May mga lokal na pamahalaan din at ilang mamamayan ang nag-dodonasyon ng mga iskul bilding.

Habang nananatili ang mga kakulangang ito, marami ang magkakasakit na bata sa bato sa kapipigil sa ihi, marami ang masasardinas sa mga kuwarto at magiging bobo.

Hindi tayo magtataka kung higit na darami ang mga drapawt sa mga huling araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply