Depensa ‘spoiled brat’ — Rep. Quimbo

TINAWAG na “spoiled brat” ni Marikina Rep. Miro Quimbo, isa sa mga tagapagsalita ng prosekusyon, ang depensa matapos na tila magtampo matapos masabon ni Senate President Juan Ponce Enrile, kahapon (Mayo 7).

Sa isang press conference, sinabi ni Quimbo na sanay na ang prosekusyon na masabon ngunit sa halip aniyang magtampo ay itinuturing nila itong hamon upang pagbutihin pa ang pagtatanong ng mga abogado sa kanilang mga testigo.

“Sa tingin namin hanggang sa ngayon ay mabigat nilang (depensa) pinag-iisipan kung ipe-present iyong panawagan para iharap CJ Corona na lalong umusbong kahapon,” paliwanag ni Quimbo.

Itinuring naman ni Aurora Rep. Sonny Angara ang depensa na parang paboritong estudyante na nang minsang masabon ng teacher ay nagtampo na.

Reaksyon ito ng dalawang kongresista sa tila pagtatampo ng depensa sa pangunguna ni dating Justice Secretary Serafin Cuevas matapos silang mapagsabihan ni Enrile na kung wala rin lang maihaharap na mabigat na testigo ay makabubuting iharap na sa paglilitis si Chief Justice Renato Corona.

“Matagal na kaming nasesermunan at tinatanggap lang namin. First time siguro na nakatanggap ng ganong salita ang depensa. Dapat positibo na lang ang reaksyon,” giit ni Angara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply