$ deposit waiver ni Miriam, where ba?

BAKIT dollar deposit waiver lang para kay Senador Franklin Drilon ang gustong malaman ni Chief Justice Renato Corona?

Bakit hindi hinihingi ni Corona ang mga dollar deposit waiver ng mga senador na sina Miriam Defensor Santiago, Bongbong Marcos at Joker Arroyo?

At lahat pa ng ibang mga senador?

Unfair naman yata na si Drilon lang ang pumirma ng waiver.

Nasaan ang hustisya kung selective lang ang gusto ni Corona na makalkal ng bayan?

At bakit walang waiver na hinihingi si Corona sa iba pang  justices ng Supreme Court?

Diyan ninyo makikita ang true colors ni Corona.

Hindi siya fair, at kung hindi siya fair, paano na ang kasabihang justice is blind and the justices do not see the petty things they do.

Parang love is blind and deaf. Ganyan yata talaga ngayon sa Supreme Court.

May mga taong nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan.

Saan kaya gagamitin ni Corona ang waiver na hinihingi niya kay Drilon?

Saan pa kundi upang gawing ebidensya na hindi rin siya nag-de-declare ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) katulad ng chief justice.

Ay nako, SLN ang kahihinatnan ng kasong ito pag nagkataon.

Sumalangit nawa ang impeachment court.

Ang impeachment court ay para lamang sa mga opisyal ng pamahalaan na puwedeng ma-impeach.

Ang mga senador ay hindi impeachable.

Kung ano man ang mga kaso o krimeng ipinupukol sa kanila ay ang ombudsman na ang bahala, hindi ang impeachment court.

Ayaw ring iladlad ni Corona ang kanyang SALN. Bawal daw yan ayon sa Supreme Court.

Baka raw kasi kapag nalaman ng publiko ang kanilang kayamanan ay kidnapin sila, pagnakawan at baka patayin pa.

Patay kang bata ka pag ganyan ang patakaran ng Supreme Court na pinangungunahan ni Corona.

Baka patayin na kayo mismo ng taong bayan.

SLN ang kahihinatnan ninyo. RIP sa ingles, rest in peace.

‘Eh tanong ko lang. Bakit ayaw mag-rest ang defense ni Corona?

Katakot-takot na delay ang nangyayari ngayon.

At kung ano-ano pang kadramahan at kaekekan ang  nangyayari sa impeachment trial?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply