Derek, Angelica kumpirmadong hiwalay na

MISMONG ang Kapatid actor na si Derek Ramsay ang umamin na hiwalay na sila ng dyowang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban base sa kanyang Twitter account.

Sa kanyang tweet, humiling din si Derek na sana ay irespeto ng mga tao ang paghihiwalay nila ng aktres na matagal din niyang naging kasintahan.

Sinabi rin ng aktor na huwag na sanang gumawa ng anumang espekulasyon hinggil sa kanilang breakup.

Pinabulaanan naman ni Derek ang mga tsismis na may third party sa kanilang break-up at iginiit na wala.

Mukhang may bitterness ang actor matapos na i-tweet ang: “I’m not proud of the breakup! How I wish things were different. I can’t be selfish and consider only my feelings.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply