Derek panay ang text sa ibang chicks!

GAANO ba ka-faithful si Derek Ramsay sa kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban?

Sa katulad ng aktor na beterano na sa ‘digmaan’, in fact, nagkaroon na ito ng asawa’t anak before at nagbilang na nang maraming karelasyon, parang mahirap panghawakan pa ang loyalty nito sa isang babae.

Heto nga’t may isang nagngangalang Danica ang nakukulitan na raw sa balbonic actor dahil sa walang habas nitong pagte-text sa kanya. Ang girl daw na ito, ayon sa nasagap naming kwento, ay nakilala lamang ng bagong Kapatid talent sa isang party at magmula noon, matapos nitong hingin ang cellphone number ng magandang chicks ay lagi na lang daw itong nagbibigay-mensahe sa dalaga.

Maliban dyan, may isa pang fansita na maganda’t mestisahin ang nabanas rin sa may edad ng papa ni Angelica kaya minabuti na lamang nitong itapon ang simcard para di na siya maumay sa walang patumanggang pagte-text ng aktor.

Nakilala naman ng huli ang tagahanga niyang ito habang ginagawa niya ang pelikulang “Corazon: Ang Unang Aswang.” Labis daw na natuwa si Ramsay dahil dinalaw siya ng isang beautiful and sexy lady. Akala nga raw nito ay si Corazon (Erich Gonzales) ang sadya ng girlita.

As usual, may-I-ask daw agad ng contact number ang playboy na actor kaya gibsina naman ng fansita sa pag-aakalang oks lang itong textmate. Pero ang ending, naka-unli pala parati ang balahibuing aktor kaya nagsawa ang girl sa kari-read ng messages. Hahaha!

Kidding aside, napilitan daw magpalit ng number ang babae dahil ayaw nitong matarayan siya ni Angelica. Kawawa naman daw ito. Niloloko lang daw ng kanyang bf.

Ang nagkwento nito sa amin ay si Louie, ang kapatid na lalake ng fan na ang namesung naman ay si Teresa. Si Tere, ay nangakong hindi na kaylan man bibisita sa mga aktor na matutulis.

Hahaha!

***

TV host wala talagang puso

NANGYARI ito last Christmas pero ngayon lamang namin ikukwento. May tatlong press people na nagsusulat sa isang once-a-week tabloid ang pumunta sa grand presscon ng isang politiko.

Dinumog ito dahil kilala ang politician sa pagiging bukas-palad sa lahat.

Ngunit sa kasamaang palad, naroon sa event ang matandang TV host. Agad nitong hinarang ang tatlo at sinabihang umalis na dahil hindi sila imbitado. Dinig na dinig namin ang pagkakatsang ng host na ‘to sa mga kawawang manunulat.

Naisip namin, kahit pala sa kapanganakan ng Mahal na Panginoon ay may tao pa palang hindi nila welcome ang pagdating ng Diyos sa mundo base sa kademonyohang ginagawa nila sa kapwa.

Sa apat na okasyon na dinaluhan namin, apat na beses din naming naringgan na nagpalayas at nagtaray sa mga hindi imbitadong manunulat ang host na ‘to. Sapul na sapul kami sa mga sinasabi ng host sa mga itinataboy na mga kapatid namin sa panulat dahil inaamin naming minsan ay ‘di rin kami invited pero go kami para makakalap ng balita at makilala naman ang pagmumukha namin. Pero wait lang naming bugawin kami ng hinayupak na host na ‘to dahil kung gaano kalakas ang boses ng pagpalayas niya sa amin ay sampung beses na mas malakas namin siyang sasagutin. Magkahiyaan na! Tutal, walanghiya naman ang host na ‘to na matanda na at biniyayaan na ng napakaraming kwarta hindi pa rin kuntento.

Swapang pa rin!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type la- mang ang aming  pangalan.

Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply