Detalyadong SALN ng solons ilalabas pagkatapos ng Corona trial

HINDI maglalabas ng detalyadong listahan ng statement of assets liabilities and net worth (SALN) ng mga kongresista hangga’t hindi natatapos ang Corona impeachment

Ayon kay House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, ito ay upang hindi makagulo at makalito sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Nangangamba ang liderato ng Kamara na makaapekto sa isinasagawang pag-uusig kay Corona sakaling mailabas ang kompletong SALN ng mga kongresista partikular na ng mga kabilang sa House Prosecution Panel.

Ayon kay Belmonte, posible na maka-agaw lamang ng atensyon at makalikha ng maraming kuwestyon kapag inilabas ang SALN ng mga kongresista habang nagpapatuloy ang impeachment trial.

Sinabi rin niya na siya ang mangunguna na magsapubliko ng kanyang sariling SALN pagkatapos ng paglilitis sa punong mahistrado

Nagpayo pa si Belmonte na mag-focus na lamang muna sa impeachment at saka busisiin ang mga SALN ng mga kongresista upang hindi magulo ang proseso ng paglilitis.

Sa paunang SALN ng mga kongresista na inilabas ng secretary-general ay nangunguna pa rin sa pinakamayaman si Saranggani Rep. Manny Pacquiao kung saan pumapangalawa naman si Leyte Rep. Imelda Marcos at pumapangatlo si Belmonte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply