Devil machines kalat sa Batangas

NAGKALAT sa Brgy. Inosluban, Lipa City, Batangas ang sandamakmak na devil machine o mas kilala sa tawag na video fruit- game.

Ang masakit nito, kung sino pa ‘yung mga inaasahan ng mga tao na siyang susugpo rito sa “tang… nang” mga demonyong makina ay sila pa ‘yung nagsisilbing mga pasimuno ng mga video fruitgame.

Gaya na lamang itong inirereklamo sa atin ng isang ginang na kung saan ang kita ng kanyang mister sa maghapong pagta-tricycle ay napupunta lang sa nasabing devil machine.

Basahin natin ang nilalaman ng text message.

Good morning,  Sir Johnny. Ako po ay isang residente rito sa Brgy. Inoslu-ban, Lipa City, Batangas. Ang idudulog ko sa inyo, eh tungkol sa tinatawag na devil  machine o mas kilala sa tawag na fruitgame. Ang dami na po ang nalulong dito at ultimo kita ng mister ko sa pagta-tricycle eh dun na napupunta. ‘Di po ba bawal ito? Pero paano magiging bawal ito kung ang mismong operator, eh, ang chief of police ng Lipa na nakilala sa pangalang Nestor Balita? Alam kaya ito ni Mayor Meynard Sabili? Sana matulungan n’yo kami para mawala sa lugar namin ang ganyang makina. Ito ang nagiging dahilan ng madalas naming pag-aaway na mag-asawa.

Salamat po!

SUGALAN NI BOY LIM PADER SA PULIS

Silipin natin ang mga puwesto-piho na peryahan ni Boy Lim sa  Apalit at sa Crossing ng San Fernando, Pampanga.

Hindi matibag-tibag ang pasugalan ni Boy Lim dahil sa malakas siya sa PNP-Pampanga.

oOo

Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lamang sa 09189274764,  0926671-9269 o email  juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply