DFA, igigisa sa pagliligtas sa Panamanian rapist

ISASALANG ng Senado sa imbestigasyon ang ilang matataas na opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa sinasabing pagliligtas nito sa paglilitis sa isang Panamanian na inakusahan ng panggagahasa sa isang 19-anyos na babae noong Abril 23.

“I will seek for a probe on the incident by a privilege speech to be delivered on Tuesday. The acts of the DFA is condemnable since they should be protector of our people not anybody else,” ayon kay Senator Tito Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na pinakinggan ng pamilya ng biktima ang pagdinig ng kanilang kaso sa Makati Regional Trial Court nitong Biyernes ng alas ng dos at makalipas ng 52 minuto ay dinismis na ng hukom ang kaso.

“Ganoon kabilis,  and the basis was the certification issued by DFA controvert their earlier certification that he is not a diplomat and does not have a diplomatic immunity by saying he is a diplomatic agent,” giit ni Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na sa ilalim ng Vienna Convention, partikular ang seksiyon 31 ng dokumento, malinaw na nakatala rito na mabibigyan ng diplomatic immunity ang isang dayuhan kung ginagawa nito o kumikilos sa isang opisyal na tungkulin lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply