DFA: Walang Pinoy na nasawi sa lindol sa Italy

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nasawi o nasaktan sa nangyaring 5.8 magnitude na lindol sa bansang Italy.

Batay sa pahayag ng DFA, sa huling talaan ng Disaster Agency sa Italy umabot na 16-katao ang nasawi habang mahigit sa 350 ang sugatan sa nasabing lindol.

Naging alerto naman ang mahigit sa 100 Pinoy nakatira dito at pansamantalang munang nanunuluyan sa mga tent matapos ang pagtama ng kalamidad sa kanilang lugar.

Batay pa sa nakuhang impormasyon, nagdulot ng malaking pinsala ang kalamidad sa Emilia Romagna region na binubuo ng lungsod ng Modena, Mantua at Bologna kung saan napaulat ang maraming pagguho ng mga paktorya, tirahan at ilang simbahan sa mga lugar. Ang nasabing rehiyon ang maituturing na pinaka-produktibo sa Italy.

Niyanig din ng magnitude 6.0 na lindol ang Emilia Romagna noong nakaraan linggo dahilan ng pagkamatay ng pitong katao habang aabot sa 1.5 million Euros ang halaga ng pinsala.

Patuloy pa rin umanong nakakaranas ng pagpapanik at takot ang mga residente sa naturang lugar dahil sa patuloy na nakararanas ng aftershocks sa nasabing rehiyon kung saan nanatili sila sa lansangan.

Maraming cheese factory ang nasira dahil sa nangyaring lindol ang Parmesan cheese na sikat sa buong mundo ay produkto ng nasabing rehiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply