‘Di naiilang sa mga naging nobyo ng dyowa

BAKLANG-BAKLA pag sumagot si Angeline Quinto sa presscon ng pelikula nila ni Coco Martin na “Born To Love You” ng Star Cinema na showing sa May 30.

Tinanong kung ano ang nararamdaman niya at this moment na bida na siya sa isang pelikula at si Coco pa ang ka-partner niya.

“At this moment po? At this moment talaga, masakit ang puson ko! Hahaha!” tumatawa niyang sagot.

Bininyagan daw ni Coco ang lips niya at yummy raw itong humalik.

“Amoy Listerine, eh! Amoy Listerine ang halik ni Coco. Pero yummy talaga! Ang bango ng hininga.

“So, masarap?,” sambit niya.

Tumayo raw ang balahibo niya sa halikan nila ni Coco.

Ano ang preaparasyon niya sa halikan na ‘yun?

Preparasyon bago kinunan ang paglalapat ng kanilang mga labi.

“Sa totoo lang, marami akong pinanood na pelikula na may mga kissing scene. Kasi, hindi ko alam kung paano ibubuka ‘yung bibig. Kasi, nu’ng unang take namin, nakanganga ako, eh! Sabi ni direk, huwag gano’n. Dapat, nakasara.”

Sinabi rin niya sa presscon na dalawa na ang naging boyfriend niya. Isa nu’ng elementary at isa nu’ng high school.

“Dalawa. Magkapatid! Joke lang! Hahahaha! Baka maniwala kayo,” bulalas pa niya na nagbibiro kaya nagtawanan ang press.

Gusto niya bang maging pangatlo si Coco?

“Bakit po hindi? Sino naman ang tatanggi kay Coco, ‘di ba po?” sey pa niya na parang tinatawanan lang ni Coco.

Samantala, kinuha rin ang reaksyon ni Angeline sa intrigang tomboy siya?

“May mga naririnig nga po akong ganyan. Sabi ko nga po, kung anuman ‘yung nakikita sa akin ng mga tao na pagiging boyish ko, eh ganu’n lang po talaga ako. Kasi, lumaki ako ng Sampaloc, ‘di ba? Kumbaga, batang-kalye po ako. Kaya sabi ko, sana naman huwag gawan ng ibang isyu ‘yung nakikita sa akin,” deklara niya.

Lalaki pa rin daw ang gusto niya.

Tsuk!

-0o0-

TUWING iniinterbyu si Luis Manzano, hindi maiwasang itanong sa kanya ang mga ex ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado gaya nina Patrick Garcia at Dennis Trillo.

“Si Pat… nakatatawa nang konti, nung lumipat ulit sa amin si Pat they believed na medyo may tensyon sa aming dalawa. In fact when I interviewed him sa talk show rin namin they were saying na ‘Magkakaharapan na!’

“When in fact kami ni Pat we got to work together sa Kampanerang Kuba, that was my very first acting show. So never kaming nagkatensyon and I highly doubt na magkakatensyon kami.”

Si Dennis Trillo naman na dati ring karelasyon ni Jennylyn ay hindi pa nakikita ni Luis.

“Hindi pa. Medyo malabo nga naman kung magkasalubong kami ni Dennis because being from different networks, hindi rin naman ako palalabas so yung chances na magka-encounter kami medyo slim to none,” sambit ng TV host-actor.

Nilinaw naman ni Luis ang kumalat na balitang may nakakita sa kanya na nag-i-inquire sa isang simbahan sa Batangas para sa kasal nila umano ni Jennylyn.

“Yes may mga nakausap din ako na mga kaibigan nating mga members of the press na diumano’y ako’y nag-i-inquire na tungkol sa kasal sa Batangas.

“Kahit ako naguluhan kung paano nangyari iyon. I have… siguro kung sakali kamukha ko yung nag-inquire. Napakasuwerteng nilalang,” at tumawang muli si Luis.

Samantala, hindi na nakadalo si Luis sa special birthday celebration si Jennylyn Mercado sa Starmall San Jose Del Monte nung Lunes ng hapon, May 14, isang araw bago ang tunay na petsa ng kanyang kaarawan.

Pero, libo libong fans ang dumagsa sa Event Center ng Starmall sa Bulacan upang tunghayan ang birthday celebration ng actress-TV host kung saan pinarangalan siya ng women’s group na Gabriela ng plake bilang opisyal na miyembro ng samahan.

Dumalo rin ang mahigit na 300 miyembro ng Gabriela kasama ang kanilang mga pamilya. Umaapaw na mga regalo ang hatid ni Jennylyn para sa kanila mula sa kanyang mga sponsor at ganun din ang mga gamit pang eskwela na hatid naman ng Villar Foundation (nina Senator Manny Villar at Misis Cynthia Villar) na ipinamigay sa mga nanood ng show.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply