‘Di nakasipot dahil blue and black ang drama!

MATAGUMPAY na nairaos ang launching ng PMPC website (www.pmpcstarnews.com) na kung saan ay panauhing pandangal si Laguna Governor ER Ejercito, Pagsanjan Mayor Maita Ejercito at NPC President Jerry Yap na ginanap sa Zirkoh, Morato. Kasabay nito ang fund raising show ng club entitled All for the Love of Juan na pinangungunahan nina Jose Manalo, Wally Bayola, Toni Gonzaga, Rocco Nacino, Steven Silva, Michael Pangilinan, Dk Valdez, Divalet at Frontmen.

Hindi nakasipot si Albie Casino dahil bugbog-sarado ang mukha na naganap sa labas ng Fiamma Bar, Makati. Naiintindihan naman ng club ang kalagayan ni Albie lalo’t nakita namin ang kanyang larawan na halos sirain ang kanyang magandang mukha.

Isinasangkot sa pambubugbog ang dating karelasyon at diumano’y nabuntis niyang si Andi Eigenmann.

Nakatanggap ng text ang PMPC officer na si Ador Saluta ng madaling-araw, 3 a.m., mula kay Nina Ferrer, Road Manager ni Albie Casino.

Nilalaman nito’y pagso-sorry at hindi makararating ang alaga sa Philippine Movie Press Club Fund Raising concert.

Saktong alas-kuwatro ng umaga, May 5, sabi ni Mommy Rina sa ext, “Hi tito Ador, nabugbog si Albie. Ang pasimuno ay si Andi. Ang tindi talaga ng babaeng ‘yan, nananahimik na ang anak ko ginugulo pa rin niya. Sinampal niya at binuhusan ng wine sa Fiamma.

“Tapos, no’ng hindi siya pinatulan ni Albie, ‘yong mga kaibigan niya (apat na kasama ni Andi na ang mga pangalan diumano’y Jeck Jeck Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson, Frank Magalona, anak ni Pia Magalona sa unang asawa. Isang Concepcion ang apelyido at isang di pa napapangalanan) sinundan siya sa parking lot. Isa sa mga nambugbog, si Frank Magalona. Itinakbo si Albie sa Makati Med. 4 against one ang labanan. (After MMC medical check-up) he was sent home to rest. May mga sugat siya sa face, sa ulo at sa dibdib. Pasensiya na, hindi talaga nakaa-attend si Albie (sa PMPC affair). He is under observation pa and needs to rest. Thank you!”

Galing from out-of-town-trip-vacation (undisclosed destination) ang mga magulang ni Albie at ngayon ay pinag-aaralan na ang kasong ihahain sa korte sakaling maging malinaw ang lahat ng pangyayari.

“Kailangan nilang maturuan ng leksiyon,” dagdag pang sabi nito.

Ayon naman sa unang statement ni Andi sa isyung ito ay inamin niyang binuhusan niya ng alak si Albie pero hindi raw niya alam na binugbog ito sa labas.

“It was my first time seeing him face to face. He gave me a bad look and I felt really bad. I thought I have moved on but because of the incident wounds of the past came back.

“I admit that out of impulse, I threw wine on his face, and the next thing I heard was he was being beaten up outside.”

“I was inside when it happened. I believe it should be acceptable for him to accuse me of such a thing, but I honestly don’t have anything to do with it.”

Ang tinutukoy naman na bumugbog diumano ay sina Frank Magalona, Carlos Concepcion, Jeck-Jeck Lacson and Neil Arce.

Samantala, nag-deny sina Frank at Carlos na may kinalaman sila sa pambubugbog kay Albie sa pamamagitan ng Twitter account.

“I have no involvement with last night’s incident. I was nowhere near the vicinity,” tweet ni Carlos.

Tweet naman ni Magalona.”I was not involved in that incident. I was at Fiamma last night for my friend’s birthday. I was not with Andi Eigenmann at all.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply