‘Di pagsusumite ng SALN ng ilang mahistrado pinabulaanan

MARIING pinabulaanan ni Supreme Court spokesman Midas Marquez ang kumalat na report na ilang mahistrado ang hindi nagsumite ng kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Sinabi ni Marquez, na malisyo ang naturang report at posibleng nais iugnay sa non-disclosure ng SALN ni Chief Justice Renato Corona.

Nanindigan si Marquez na epektibo pa rin ang 1989 Court Resolution na pinagbabatayan ng mga opisyal ng Korte para hindi basta-basta maisapubliko ang SALN ng Supreme Court justices dahil sa posibilidad na magamit ito sa pangha-harass.

Matapos ang Abril 30 deadline ng submission ng SALN ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno, ay kaagad nag-ulat si Clerk of Court Enriqueta Vidal sa Office of the Court Administrator na nakapag-comply ang lahat ng mahistrado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply