Dinukot na ex-Carrascal mayor pinalaya na

PINALAYA na rin ang dinukot na dating mayor ng Carrascal, Surigao del Sur ng mga armadong kalalakihan ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. si dating alkalde, Engr. Victor Lim Tan, 67, may-asawa, residente ng Barangay Enbarcadero ng nasabing bayan at kasalukuyang manager ng Carrascal Integrated Enterprise ay pinalaya bandang alas-9:00 ng umaga sa bisinidad ng Sitio Catupgas, Barangay Zone 3, Lanuza.

Unang inulat na nawawala si Engr. Tan habang nagtatrabaho sa kanilang construction site/field office sa Catupgas Bridge 1 and 2, sa Sitio Catupgas, Brgy. Zone 3, Lanuza, Surigao del Sur.

Sinundo ang biktima ni Vice Mayor Alofred Areza ng Carascal Municipality.

Pagkatapos ang maikling de briefing ay dinala na ang dating alkalde sa Davao City para sumakay sa isang Cebu flight.

Maguguinitang dinala umano ang biktima ng walong armadong kalalakihan sa bukiring bahagi ng nasabing lugar nitong Mayo 21, 2012.

Napag-alaman na dinukot na rin ang biktima noong 1997 sa Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur nang bumisita sa construction
project at pinakawalan pagkalipas ng ilang buwan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng PNP at AFP sa area.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply