Dirty Harry vs Asiong Salonga

SA wakas, tumining na ang ‘guessing game’ tungkol sa ulat na papasukin ni dating Pangulong Joseph Estrada ang pulitika sa Maynila.

Ito’y matapos ipinahayag kamakailan ni Erap na tatakbo siya bilang Manila Mayor sa darating na May 13, 2013 election.

Kasabay ng kanyang anunsyo ay ang paglipat ng dating Presidente sa kanyang P80 million bagong tahanan sa Sta. Mesa, Manila.

Sa mga kaganapang ito, ‘di makatatakas sa isipan ng marami – lalo na  sa mga political observer ang desisyon na ito ni Erap.

Matanda na raw ito, bakit ‘di pa magpahinga? At bakit taal na  taga-San Juan at ngayo’y sa  Maynila ninais na tumakbo?

Sa Panig ni Erap, aniya, nais lang niyang magsilbi sa mga mahihirap.

Talaga lang, ha! Bakit, si Mayor Fred Lim ‘di ba marunong magsilbi?

Tulad niya (Erap) na nagsilbi ng halos buong buhay sa pamahalaan, ganundin si Lim na humawak ng iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

Pakiwari natin, ‘di sa pagsislbi ang tunay na hangarin ng dating Presidente sa Maynila, kundi may mas malalim pang dahilan.

Kaya sa darating na election banggaan ito ng parehong mabigat at may sinasabing mga personalidad sa Maynila.

Kung sino ang magwawagi kina ‘Dirty Harry’ at ‘Asiong Salonga’, yan ay nakasalalay sa mga kamay ng mga Manilenyo.

HAMON KAY GEN. MARIO DELA VEGA

Diyan sa Quezon City Police District (QCPD), usap-usapan ang ginagawang paghahasik ng kalokohan ng isang nagngangalang ‘Rocky’.

Aba’y ito palang si ‘Rocky’ ay umiikot sa mga iligal, tulad ng sugalan at bold shows sa mga club at ipinanghihingi si C/Supt. Mario dela Vega.

Ang pangongotong ng taong ito na gamit pa ang pangalan ni Gen. Dela Vega ay bagay
na ‘di dapat kinukunsinti ng naturang heneral.

Para gamitin ang iyong pangalan sa ’kotong’ activities, lalo’t heneral pa ang ipinang-hihingi, yan ay kahibangan.

Kaya hamon natin  kay Gen. Dela Vega, pasilip niya ang gawain ni ‘Rocky’ dahil sampal ito sa kanyang katauhan bilang mataas na opisyal ng kapulisan.

Sa lalong madaling panahon ay kumilos si general para mabura ang haka-haka rin na batid nito ang ginagawa ni ‘Rocky’.

Abangan natin ang aksyon ni Gen. Dela Vega ukol dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply