DJ inatado ng saksak sa Kyusi, todas

PATAY ang isang dics jockey makaraang saksakin sa kanyang tinutulugang kuwarto sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Rammy Inigo, stay in disc jockey (DJ) ng Chibugan at Tambayan ni Tata Cruz Club sa 155-A Roosevelt corner Del Monte Ave., Brgy. Damayan, San Francisco del Monte, QC.

Sa ulat ng Quezon City Police District, Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente las-7:30  ng gabi kagabi sa isang kuwarto sa Chibugan at Tambayan ni Tata Cruz Club.

Sinabi ng saksing si Danilo Rodriguez, waiter at kasamahan ng biktima, nagulat siya nang mabungaran ang wala nang buhay na biktima na tadtad ng tama ng saksak sa katawan.

Inaalam pa rin ng mga pulis kung sino ang suspek sa nasabing pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply