DOH nabahala sa pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa

NABABAHALA ang Department of Health (DOH) sa pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.

Ayon sa datos ng DOH, naitala ang 2,000 kaso ng naturang sakit sa loob lamang ng apat ng buwan at naturang bilang ay 100 na ang namatay.

Batay sa talaan ng DOH, nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may mataas na kaso ng dengue habang  pumangalawa naman ang Quezon City na sinundan ng Parañaque, Caloocan at Pasig City.

Binabantayan na rin ng DOH ang ilang barangay sa Zamboanga City matapos magdeklara  ng dengue outbreak ang lalawigan dahil sa nakapagtala doon ng mahigit 700 kaso ng sakit.

Nakapagtala rin ng mataas na kaso ng dengue sa Bicol, Davao at Cordillera Administrative Region.

Sinabi ng Kagawaran na posible pang tumaas ang kaso ng dengue sa bansa dahil papasok na ang panahon ng tag-ulan.

Dahil dito, nananawagan ang DOH sa publiko na lalo pang pag-ibayuhin ang pag-iingat at panatilihing malinis ang tahanan at paaralan ngayong nalalapit na ang pagbubukas ng klase.

Pinayuhan ng kagawaran ang pamunuan ng mga paaralan na maglagay ng screen sa lahat ng mga bintana ng mga eskuwelahan upang hindi makapasok sa classroom ang mga lamok na may dalang dengue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply