DOH may payo sa mga lalahok sa Labor Day rally

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga pulis na ide-deploy at mga raliyesta na lalahok sa Labor Day rally na iwasan ang pagbibilad sa araw.

Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, DOH Director for Metro Manila na hangga’t maaari ay huwag pabayaan na mabilad sa araw nang matagal na oras dahil posibleng ma-dehydrate.

Pinaiiwas din ng opisyal ang pagsusuot ng dark colored clothes gaya ng itim at pula dahil ang mga nabanggit na kulay ay naka-a-absorb ng init.

Makabubuti rin ani Janairo na magbabaon ng sariling tubig upang maiwasan ang dehydration at sariling pagkain ngunit dapat tiyaking
hindi ito madaling mapanis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply