Doktor inambus sa kotse, kritikal

KRITIKAL ang isang doktor matapos ratratin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang kanyang minamanehong sasakyan sa Antique nitong Martes ng gabi.

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital (APH) sanhi ng tinamong tama ng bala ng M16 rifles sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Dr. Laartes Amihan, 40-anyos, resident doctor ng Justice Calixto Saldivar Memorial Hospital (JCSMH) sa Antique.

Blangko pa ang pulisya kung ano ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin at sa kasalukuyan ay nangangalap pa lamang ng mga ebidensya sa crime scene.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 8:45 nitong Martes ng gabi sa Barangay Guia Pandan, Antique.

Ayon sa pagsisiyasat ni PO2 Birog ng Pandan PNP, lulan sa kanyang sasakyan ang biktima at papunta ito sa JCSMH para mag-duty.

Lingid sa biktima, inaabangan na pala siya ng mga suspect kaya pagsapit sa lugar ay tinarget ang mismong driver’s seat na kinauupuan ng biktima.

Narekober sa crime scene ang 27 empty shells ng M16 armalite rifle.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply