Dole sa employers: Sumunod sa pay rules

NAGPAALALA ulit ang Department of Labor and Employment (Dole) sa mga employer ukol sa pagsunod sa pay rules ngayong Labor Day.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz dapat makatanggap ng 200 porsiyento (double pay) ang mga empleyado na magtatrabaho ngayong araw, Mayo 1 na isang regular holiday.

Sa holiday pay rules ng kagawaran kung lumagpas sa walong oras ang isang empleyado ay makatatanggap ito ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate.

Kapag hindi naman pumasok ang isang empleyado ay makatatanggap pa rin ito ng 100 porsiyento ng kanyang regular daily rate.

Kung natapat naman ang day off ng isang manggagawa sa nasabing holiday at pumasok ito para magtrabaho, makakatanggap siya ng 260 porsiyento ng kanyang daily rate sa unang walong oras at karagdagang 30 porsiyento pa kapag lumagpas sa walong oras.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply